Napaka saya ng araw kung lahat ng kaibigan mo pati ikaw ay may pupuntahan na talaga namang hindi malilimutan, mas lalo pang masaya kung ang pupuntahan niyo ay may mga aktibidadis na gagawin. Hindi man nagkaroon ng JS PROM naging masaya naman kami sa paglalakbay patungo sa aming pinuntahan. Talaga namangsulit ang lahat basta naging masaya kami. Sa aking lakbay sanaysay matutunghayan natin ang aking mga pinuntahan, karanasan, pati na rin lahat ng aking nagawa kasama ang aking mga kaibigan at kaklase , pati na rin mga guro. Kaya't atin nang tignan ang mga pangyayari.
Unang una sa laaht hindi mawawala an g mga kakailanganin sa ating paglalakbay. Nasa isip ko palagi ay PAGKAIN, oo napaka dami kong pagkain na dinala dahil ayokong magutom. Dinala ko rin ang unan ko para naman insperasyon. Masaya akong nakabili ng aking mga kakailanganin kasama ang aking mga kaibigan.
Habang nagiintay sa iba ayan nagpipicturan na sila. Masaya sa napili kong bus dahil halos ng kasama ko ay mga kaklase ko. Bago kami umalis syempre nagdasal muna kami, habang kami ay umaandar may palaro ang aming coach captain para naman hindi kami ganoon maboring. Nasa bus pa lamang kami napakasaya na namin, paano pa kaya kung nasa destinasyon na kami. Nagbigayan din ng pagkain ang bawat isa habang nabyahe, mahigit ilang oras din ang byahe.
Nang nasa mga kalayuan na kami madami nang pwedeng makita sa paligid, katulad na lamang itong napakagandang tanawin., karamihan sa mga makikita dito ay ang mga hayop at mga pananim ng mga tao sa lugar, kahit na ganito lang ka simple napaka sarap pa ring titigan at pagmasdan. Bawat lugar na madadaanan ay tiyak na may makikitang kasaysayang pinagmulan.
QUIRINO BRIDGE SIDEVIEW |
Sa wakas nakarating na rin sa aming unang destinasyon ang "Quirino Bridge" napakagandang tignan sa napakagandang pagkakagising, napaka sarap din ng simoy ng hangin na animoy nasa isa kang napakagandang paraiso.
ANG KAGANDAHAN NG QUIRINO BRIDGE |
Makikita sa mga tao na sila ay talagang nasisiyahan sa kanilang mga nakikita dahil nga sa napakagandang tanawin na ito. Nagkukuhaan ng imahe ang bawat isa, karamihan ng mga tao ay bagong gising lamang kaya naman ay napaka gandang gising ang handog nito.
PAOAY CHURCH |
Habang kami ang nagbabyahe ako ay nakakita pa ng iba pang mga tanawin, napaka payapang tanawin kung titignan, napakalinis rin. Talaga namang bawat sulok ng aming paglalakbay ay may makikita kang magagandang tanawin. Siguro kasaysaayan na rin sa ibang pilipino ang pangalagaan ang mga natitirang yaman ng bansa, kaya namn ang lugr na itoy pinangalagaan talaga ng mga tao.
Pagkatapos naming gumala at kumain na rin kami, patungo na kami sa aming hotel. Napaka habang byahe. Kahit na napaka haba ng byahe sulit pa rin ang bawat sandli sa bus at sa mga bus stop, dahil na rin sa mga bus stop eh nagkaroon kai ng panahon para mamili ng mga pwedeng mabili sa lugar
Kami nga ay nakarating na napakasaya sa aming kwarto dahil mga kaklase ko rin ang kasama ko. Habang nagiintay ng seminar kami naman ay nag hahanda na sa aming susuotin. Mahabahaba rin ang aming oras para maghintay kaya naman kami ay nanood ng telebisyon at nag kwentuhan, nagpuntahan sa bawat kwarto para makasama ang bawat isa.
Kami nga ay nagkaroon ng seminar at itoy napakaganda dahil nga sa aming panauhin na marami talagang mapupulot na aral tungkol sa kanya, iyakan kami lahat dahil nga nararamdaman namin ang pagmamahal namin sa diyos dahil napaka swerte namin. Napagisip ko rin na talaga nga namng ang retreat na ito ay hindi lamang para magenjoy ka, itoy para rin may mapulot kang aral. Isang napaka gandang istorya at buhay ng aming guest speaker, isa na rin ito sa aking inspirasyon para sa aking pagaaral.
ANG BUHAY NG TATLONG KANDILA |
Dumating na ang gabi at nakabihis na ang lahat, wala mang nangyaring JS PROM nagkaroon parin kami ng pagsisindi ng kandila. Napaka sayang gabi ang nangyari ng mga panahon na iyon.. Nagkaroon rin ng mga pagsasalita sa harapan na kung saan ay merong halakhakan at kasiyahan ang bawat isa. Dahil nga para na ring JS PROM nagkaroon kami ng mga pasahan ng identika sa bawat isa.
Natapos na ang gabi at ang bwat isa ay pinabalik na sa kanikanilang kwarto, bago kami matulog kami ay naglaro muna ng beanboozle na kung saan ayy pipili ka ng kakainin mong candy, itoy may mga flavor na kadiri talaga. At napaka sayang gabi nga ang nangyari, natulog na ang lahat at naghintay ng oras para sa bukas.
Kinabukasan kami na nga ay naghanda para umalis na sa hotel at magpunta sa susunod na destinasyon. Destinasyon na kung saan mainit ngunit napaka sayang puntahan lalo na kung lahat ng pagkakasiyahan ay iyong susubukan.
Kami ay nakarating ng ligtas sa napakagandang at napakapurong buhangin ng "Ilocos Sand Dunes" napaka init ngunit napaka sayang destinasyon.
Napaka habang anino. Napaka sayang araw, sumakay kami ng 4x4 na sasakyan na kulang na lang ay tangayin ang mga kaluluwa namin. Sinubukan rin naming mag sand slide napaka saya.
. Pinong pino rin ang buhangin, magandang magpicture dito lalo na kung sa may buhangginan.
MAPAYAPANG TANAWIN NG DAGAT AT WINDMILL |
At ito na nga ang susunod naming dstinasyon ang mga " Wind Mills" napaka payapa at napaka sarap sa pakiramdam, dinadala ka talaga ng emosyon mo lalo na kung may kasama pang tugtog na tumutunog sa iyong tenga. Syempre bago kami umalis sa bawat destinasyon namili na rin kami ng mga pasalubong para sa aming pamilya at iba pang kaibigan.
ISANG MATAPANG NA LEON SA ZOO |
Nagpunta rin kami sa isang "Zoo" madaming hayop ang makikita at may museo rin silang mageenjoy ka talaga.
Nakarating na nga kami sa aming huling destinasyon. Syempre di mawawala ang pagkain bago dumating o umalis sa bawat pinupuntahan kaya kami ay kumain muna at namili.
MGA KABAHAYAN NOON SA VIGAN |
Napaka ganda ng mga bahay at mga makikita dito sa "VIGAN" masasayang mga tao at magagandang bilihan ang nandito.
MGA BAHAY NOON SA VIGAN |
Mga bahay na antik at mga tanawin na sinauna ag makikita rito.
HULING SANDALI AT NAKATITIG SA BAWAT PALAMUTI |
Huling gabi na at oras na para umuwi. Kahit na gusto pa namin hindi pwepwede. napaka sayang araw at napaka makulay.
Sa aking paglalakbay nagkaroon ako ng kaalaman tungkol sa iba pang nating yamang lugar. Sa aking isip ay madami pa rin talaga tayong bagay na yaman na rin ng ating bansa.
Napaka saya ng ng paglalakbay na iyon, hinding hindi ko talaga ito malilimutan.
Bago ko tapusin ang blog kong ito, nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil sa binigyan niya ako ng pagkakataon na mag tungo sa mala paraisong lugar na ito. Gusto kong bumalik dito lalo na kapag kasma ko ang mga mahal ko sa buhay. Gusto ko itong ibahagi sa lahat upang silay magkaroon ng ideya kung gaano kaganda ang lugar na ito.